Batid ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ambag ng bawat mamamayan sa pagsusulong ng mga epektibong programa at polisiya para sa mas maunlad na Pilipinas!
Kaya naman ngayong Hulyo 15 hanggang Setyembre, isasagawa ng PSA ang 2024 Census of Population at Community-Based Monitoring System, o ang 2024 POPCEN-CBMS. Dito, muling bibilangin ang populasyon ng buong bansa. Ang mga datos din na makakalap ay gagamitin ng pamahalaan upang makapaghatid ng mas naaangkop na serbisyo para sa bawat Pilipino.
Ang partisipasyon mo ay mahalaga upang makamit natin ang magandang bukas.
βSa POPCEN at CMBS, Kasama Ka sa Pag-unlad Tungo sa Makabagong Pilipinasβ
Source: Philippine Statistics Authority



